-- Advertisements --

VIGAN CITY – Inamin ni New Zealand Prime Minister Jacinda Ardernna may mga pagkukulang sila sa pagpapatupad ng mga protocol kaya naitala ang dalawang bagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Bombo International Correspondent Estella Shayne Quinto, nurse sa nasabing bansa, napahintulutan umanong makalabas ang magkapatid na pasyente mula sa kanilang quarantine facility dahil ang mga ito’y nanggaling sa United Kingdom at umapela sila na madalaw ang namatay nilang magulang.

Hindi aniya agad na-test ang mga pasyente na ngayon ay naka-home quarantine na sa Wellington.

Isa sa kanila ang nakitaan lamang ng mild symptom habang ang isa nama’y asymptomatic o hindi nagpapakita ng anomang sintomas.