CAGAYAN DE ORO CITY -Pinakalakas pa ng Coronavirus Disease (COVID-19) survivor Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang kanyang kampanya para malabanan ang pagdami ng mga residente na mahawaan nito sa bansa.
Ito ay matapos namigay ng mahigit kumulang P13 million na halaga ng China-made anti-body diagnostic kits ang senador para magamit ng government hospitals na nakabase sa tatlong rehiyon ng Mindanao.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Department of Health Regional Director Dr Adriano Suba-an na mismo siya at si Northern Mindanao Medical Center Hospital Director Dr Jose Chan ang tumanggap ng ilang karton ng kits para makatulong ma-detect ang maisugod na mga pasyente na suspected coronavirus carriers.
Inihayag ni Suba-an na malaking tulong para sa kanila ang pinakaunang pagkakataon na pag-donate ni Zubiri upang sikaping mapigilan nag paglobo ng kaso ng positive cases ng virus sa Northern Mindanao.
Taos-puso ang pasasalamat naman nina Suba-an, Chan at JR Borja Memorial General Hospital Chief of Hospital Dr Ramon Nery dahil nabigyan sila ng dagdag na kagamitan kontra sa virus.
Maliban sa Cagayan de Oro City,namigay rin ang mga tauhan ng senador sa kanyang hometown sa Bukidnon kung saan kasalukuyang naka-enhanced community quarantine sa Caraga Regional Hospital sa Surigao City,Surigao del Norte at Cotabato Regional and Medical Center ng Bangsamoro Region sa Muslim Mindanao.
Magugunitang naisipan ni Zubiri ang pamimigay ng diagnostic kits habang nasa kasagsagan ng self- quarantine nang mahawaan ng virus noong Marso nitong taon.
Katuwang ng senador na maisakupatuparan ang libreng pamimigay ng anti-coronavirus kits ay ang kanyang kapatid na si Bukidnon 3rd District Rep.Manuel Zubiri.