-- Advertisements --

Inamin ng isang eksperto na wala pa ring kasiguraduhan kung makakamit ng Pilipinas ang tinatawag na herd immunity para hindi na kumalat pa ang COVID-19 sa mas nakakaraming mamamayan.

Ayon kay Dr. Edsel Salvaña, miyembro ng IATF technical advisory group, liban sa nade-delay ng husto ang pagdating mga vaccines, hindi rin ito ang madaliang target sa panahon ngayon.

Church devotees people COVID

Una nang tinaya ng ilang opisyal na target nilang mabakunahan ang hanggang 80 milyong mga Pilipino bago matapos ang taon.

Para naman kay Dr. Salvaña, ang mahalAga sa ngayon ay mapigilan ng bakuna ang pagkamatay ng mga tinatamaan ng virus.

Gayundin ay maibsan ang severe cases sa mga nahawa na mga pasyente sa COVID-19.

Paliwanag pa ni Salvaña, isa ring infectious diseases physician, sa ngayon wala pang malinaw na pag-aaral kung makakapagdulot ng herd immunity ang vaccine.

Inihalimbawa pa nito na ang simpleng gamot nga lang daw sa sipon o vaccine ay hindi ibig sabihin na hindi kana kakapitan ng ganitong sakit.