-- Advertisements --
Umabot na sa full capacity ang COVID-19 wards ng Mandaluyong City Medical Center .
Kinumpirma ni Dr. Cesar Tutaan, administrator ng Mandaluyong City Medical Center na lahat ng 75 COVID-19 beds sa ospital ay okupado na.
Nasa 32 dito ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 kung saan 21 ang hindi pa bakunado habang nasa 42 namana ng parobable at suspected patients na inaantay pa ang resulta ng kanilang swab test.
Nasa lima naman sa kanilang healthcare workers ang nasa isolation matapos na magpositibo sa COVID-19.
Base sa pinakahuling datos ng pamahalaang lungsod ng Mandaluyong, nasa 91 ang bagong kaso ng COVID-19 cases ang naitala sa kabuuan nasa 897 ang aktibong positibong kaso sa lungsod.