-- Advertisements --
Bumaba sa 2.4% ang pitong araw na COVID-19 positivity rate sa Metro Manila , ayon sa independent pandemic monitor ng OCTA Research Group.
Ayon kay OCTA fellow na si Guido David na bumaba ang positivity rate sa sa 2.4% mula sa 3.7% noong Enero 14.
Aniya, walang probinsiya sa Luzon ang nagkaroon ng pagtaas ng positivity rate at maraming probinsiya ang may bumababa ang positivity rate.
Dagdag dito, ang Department of Health ay nag-ulat ng 399 na bagong impeksyon sa COVID-19, na nagdala sa kabuuang bilang ng mga aktibong kaso sa buong bansa sa 10,587.
Sa ngayon, mahigpit pa ding pinag-iingat ang publiko dahil hindi pa din naman umano nawawala ang kumakalat na nakamamatay na sakit sa ating bansa.