Inihayag mismo ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco Marbil sa nagibg Command Conference nitong Martes ang nga gabay sa mga operasyon ng kanilang hanay ngayong Semana Santa at maging ngayong election period.
Binigyang diin ni Marbil sa kaniyang naging mensahe na dapat mapalakas ang police visibility ng kanilang mga yunit lalo na ang mga hakbang para sa kaligtasan at seguridad ng publiko ngayong Holy Week.
Aniya, kailangang makita ang presensya ng pulisya sa mga checkpoint at chokepoint para matiyak ang ligtas na pagbyahe ng mga mananakay.
Iniutos din ni Marbil na lahat ng yunit ay dapat na patuloy na magpatupad ng gun ban at paigtingin rin ang mga kooperasyon sa mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan upang maiwasan ang mga potensyal na banta.
Samantala, pinaalalahanan rin ng hepe ang mga ground commander ng bawat yunit na panatilihin ang transparency sa pagbibigay ng mga ulat ng mga krimen kanilang naitala.
Ani Marbil, mahalagang ipakita ang totoong datos ng mga krimen sa pamamagitan aniya nito ay mas maintindihan ang sitwasyon at makakaresponde ng maayos ang at mabibigyan ng kongkretong solusyon ang mga maaaring kaharapin nilang problema.
Sa huling bahagi naman ng kaniyang naging mensahe, binigyang diin niya na lahat ng tauhan ngayong eleksyon ay dapat manatiling apolitical ngayong eleksyon.
Aniya, huwag umano magpagamit sa politiko dahil ang tunay nilang pinagsisilbihan ay ang mga mamamayang pilipino at hindi ang interes ng mga kandidato.