Personal na bumisita si Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Francisco Marbil sa Rizal Police Station para direktang pangunahan at alamin ang kasalukuyang status ng Special Investigation Task Group kaugnay sa pamamaril kay incumbent Mayor Joel Ruma.
Mariing na pinagutos ni Marbil ang agaran at malalimang imbestigasyon sa insidente dahil sa malakas ang kaniyang paniniwala na kapag nagkaroon ng masinsianng pagtutok sa kaso ay agad at mabilis itong masosolusyunan sa lalong madaling panahon.
Samantala, nakatutok naman ngayong ang PRO II at ang SITG sa pagkalap ng mga sapat na ebidenysa at mga CCTV footages sa lugar maging mga posibleng witnesses sa insidente para mabilis na maresolba ang kaso.
Nauna na dito ay personal nang nagsagawa g inspeksyon ang PRO II sa pinangyarihan ng insidente upang matukoy ang mga maaaring sangkot na indibidwal sa pamamaril.
Tiniyak naman ni Marbil na buo ang kaniyang tiwala at suporta sa PRO II at sa SITG na mabilis nitong mareresolba ang insidente at mabibigyan ng hustisya ang pamilya ni Mayor Joel Ruma.