-- Advertisements --

Ipinapaaresto ng Manila City Regional Trial Court ang founding chairman ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Jose Maria Sison dahil sa kasong murder.

Dawit din sa arrest order ang asawa ni Sison na si Juliet at nasa 36 na miyembro ng CPP.

Nag-ugat ang murder case sa sinasabing koneksyon ng grupo sa Inopacan massacre noong 1980.

Dito, ilang miyembro umano ng komunistang grupo ang walang habas na pumatay at nasangkot sa paglaba sa Leyte province.

Batay sa arrest warrant ni RTC Branch 32 Judge Thelma Bunyi-Medina, pinapdakip din si National Democratic Front of the Philippines (NDFP) senior adviser Luis Jalandoni.

Pati ang dating CPP chair na si Rodolfo Salas o “Ka Bilog” na ginawaran ng amnesty noong 1992 ni dating Pangulong Fidel V. Ramos matapos makulong.

Taong 2006 nang sampahan ng kaso ang mga akusado matapos matagpuan ang buto ng halos 70 biktima sa Inopacan, Leyte.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kaso.