-- Advertisements --

Inako ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang pagpapasabog ng improvised explosive device (IED) sa lungsod ng Masbate nitong nakaraang Linggo na ikinasawi ng football player na si Keith Absalon at pinsan nito.

Sa inilabas ng kalatas ng grupo, labis daw silang nagsisi sa pangyayari.

Para aniya sa mga militar ang nasabing bomba na itinanim sa Barangay Anas.

Hindi rin daw nila masisisi ang pamilya ng biktima kung sila man ay magalit ng lubos.

Hindi rind umano dapat nangyari ang pagkasawi ng 21-anyos na si Absalon at pinsan nitong si Nolven Absalon nito kaya nagsasagawa na rin sila ng imbestigasyon sa kanilang hanay.

Magugunitang nasabugan ng IED ang magpinsang biktima habang lulan ng kanilang bisikleta kung saan patungo sila sa kanilang kamag-anak sa Barangay B. Titong.

Tanging ang anak na lalaki ni Nolven ang nakaligtas na kasama ng dalawa ng mangyarin ang insidente.

Si Keith ay naglalaro sa Malaya Football Club at sa Far Eastern University football team.

Naging Most Valuable Player ito ng FEU men’s football team noong Season 82.