CAGAYAN DE ORO CITY – Itinuring na ‘inactive status’ na umano ang kilusang Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) na walang humpay tinutugis ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa higit limang dekada sa bansa.
Ganito isinalarawan ni Philippine Army spokesperson Col. Louie Dema-ala ang humina ng puwersa ng armadong grupo kasunod nang pagka-patay ng isang babaeng political officer ng NPA na taga-Muntinlupa City subalit nag-immersion sa Southern Mindanao Regional Committee sa nangyaring engkuwentro sa Quezon,Bukidnon noong nakaraang linggo.
Sinabi sa Bombo Radyo ni Dema-ala na kaya tinawag nila na ‘inactive status’ ang CPP-NPA dahil wala na umanong kakayahan makapag-recruit bagkus ay pagtatago na lang ang ginawa.
Ito ang dahilan na hindi na tinitigilan ng Armed Forces of the Philippines ang paghahabol sa mga rebelde upang tuluyan ng malusaw ang armadong kilusan.
Magugnitang napatay si Kaliska Dominica Peralta alyas Rica o Tomboy ng 48th IB operations sa Brgy Butong,Quezon,Bukidnon at kusang inihatid sa kanyang pamilya upang mabigyan ng desenteng libing sa lungsod sa Muntinlupa.