-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Itinakwil muli ng halos 80 pinuno ng Indigenous Peoples (IPs) particular ng tribung Higaonon ang mga kasapi ng Communist Party of the Philippines- New People’s Army (CPP-NPA) na kumiklos sa lalawigan ng Misamis Oriental.

Ito’y matapos nagpahayag muli ng pagsalungat ang tribu na muling magamit ng grupo sa umano’y mga hakbang pabagsakin ang mga pagsisikap ng gobyerno na masagot ang mga isyung panlipunan.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni 2nd Lt Mary Knoll Rea Cuis,tagapagsalita ng 58th Infantry Batallion’s Civil Military Operations na pangalawang pagkakataon na umano itong i-deneklara na ‘persona non grata’ ang mga rebelde dahil mas pinili ng ka-tribu na mamumuhay ng tahimik at suportahan ang pamahalaan.

Sinabi Cuis na malaking bagay ito para sa pagsisikap ng gobyernong local kasama ang kapolisan at military upang tuluyan nang malipol ang kilusang armado na nakapagtayo pa ng ‘shadow government’ sa Sitio Lantad,Barangay Kibanban,Balingasag ng lalawigan sa dekada 80.

Magugunitang ayon sa militar nabuwag na nila ang gumalaw na guerilla fronts ng CPP-NPA at kasalukuyang tinatrabaho ang nasa higit 20 na lang umano ng combatants upang tuluyang insurgency-free na ang Misamis Oriental na isa sa mga operational area ng 4ID,Philippine Army ng Northern Mindanao-Caraga Regions.