-- Advertisements --

Nagdeklara ng tigil-putukan ang Communist Party of the Philippines (CPP) at New Peoples Army (NPA) kasabay ng pagdiriwang nila ng ika-55 na anibersaryo ng pagkatatag ng organisasyon.

Ang ceasefire ay magsisimula ng alas-12:01 ng madaling araw ng December 25, 2023, araw ng pasko, at magtatapos ng alas-11:59 ng gabi ng December 26, 2023.

Ito ay upang bigyang-daan ang mga aktibidad na isasagawa ng komunistang grupo.

“The two-day ceasefire aims to allow the peasant masses and NPA units in their area to conduct assemblies, meetings or gatherings to celebrate the Party’s anniversary, look back at past achievements, and pay tribute to all heroes and martyrs of the Philippine revolution,” pahayag ng CPP-NPA. 

Ayon sa kanila, ang tigil-putukan ay pakikiisa rin sa holiday celebration ng mga Pilipino.

Sa kabila nito, patuloy pa rin ang military operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa NPA.

Anila, ang anunsyo ng CPP-NPA ay isang “empty statement” kaya naman patuloy nilang gagawin ang kanilang mandato na panatilihin ang kaligtasan at tapusin ang armadong grupo ng CPP. 

Inabisuhan din ng AFP ang natitirang miyembro ng NPA na sumuko na kaysa ituloy ang kanilang “senseless advocacies.”

“It is much better for them to abandon the armed struggle. Laying down their arms and returning to the folds of the law in order to be with their families is the rational path forward towards a united, peaceful, and progressive country,” ani Col. Xerxes Trinidad, chief ng military’s Public Affairs.