-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Idineklara na ng peace-loving people ng Misamis Occidental na persona non grata ang mga Communist Party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA), at National Democratic Front (NDF).

Ito’y sa pamamagitan ng resolusyon na ipinasa ng Municipal Peace and Order Council, epektibo June 18, 2019

Nakasulat sa Resolution No. 1, series of 2019 na suportado ng taga-Misamis Occidental ang panawagan ni Presidente Rodrigo Duterte na tapusin na ang komunistang insurhensya sa bansa.

Napuno na raw sila sa 50 taong kasinungalingan umano at mga kalupitan na ginagawa ng mga pangkat na ito laban sa mga tao para sa kanilang mga kriminal na kilos at paglabag sa International Humanitarian Law.

Ikinatuwa naman ito ng militar lalo pa’t malaki ang maitutulong nito sa kanilang pagsisikap na protektahan ang mga komunidad mula sa mga rebelde.