-- Advertisements --
Pumayag na ang Communist Party of the Philippines (CPP) na magkaroon ng ceasefire simula Marso 26 hanggang Abril 15 para mabigyan ang gobyerno ng pagkakatan na malabanan ang coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Sa naging pahayag ng CPP, sinabi ng mga ito na pumayag lamang sila dahil sa kahilingan na rin ng United Nations (UN) bilang tulong daw sa paglaban ng virus.
Inatasan na rin nila ang New People’s Army (NPA) na itigil muna ang opensiba laban sa mga sundalo ng gobyerno.
Nauna rito nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga rebeldeng grupo na kung puwede ay itigil muna ang atake sa gobyerno hangga’t hindi natatapos ang coronavirus pandemic.