CAGAYAN DE ORO CITY – Tiniyak ng pamahalaang probinsyal ng Bukidnon na tuloy-tuloy ang pagbigay livelihoood program at ibang makakaya na tulong para sa mga nagbalik-loob sa gobyerno na aktibong mga sakop ng Communist Party of the Philippines -New People’s Army (CPP-NPA).
Ginawa ni Bukidnon Provincial Governor Rogelio Roque ang garantiya kaugnay pagsuko ng isa pang mataas na opisyal ng CPP-NPA na nagmamando sa Sub-Regional Committee 2 ng North Central Mindanao Regional Committee kasama ang higit 40 na active arm combatants sa probinsya.
Tinukoy ng gobernador na napasuko ng tropa ni 403rd Infantry Brigade commander Brig.Gen. Michelle Anayron si Randy Bayot alyas Gov o Kap,48 anyos na taga- Sitio Sunny Day,Barangay Butong,Quezon,Bukidnon na aktibo sa armadong pakikigdigma sa loob ng 19 na taon sa Northern Mindanao region.
Batay rin kasi sa salaysay ni 4ID commanding officer Major General Jos Maria Cuerpo II na napag-desisyonan ni Bayot na tatalikuran ang halos dalawang dekada na pakikipaglaban ng pamahalaan dahil nagka-problema na ang ‘ideology direction’ ng CPP-NPA central committee.
Maliban umano rito ay hirap na nila matakasan ang mas pinaigting na military batallion operations kaya tuluyang sumuko kasama ang kanyang mga nasasakupan.
Bitbit pagsuko ni Bayot at anim na high powered firearms na kinabilangan ng limang M-16 at M-14 rifles.
Ang nabanggit na top rebel ng rehiyon ay itinuring na spokesperson/2nd deputy secretary/finance officer of the Regional Staff, North Central Mindanao Regional Committee ng umano’y Communist Terrorist Group o CTG.
Batay sa record ng pulisya’t militar,mayroong kinaharap na dalawang kasong murder,multiple frustrated murder,destructive arson, kidnapping at serious illegal detention sa magkaibang korte sa rehiyon ng Mindanao ang sumuko na rebelde.