CEBU CITY – Tiniyak ni Colonel Engelbert Soriano, director ng Cebu Police Provincial Office (CPPO), na nakahanda na ang kanilang security plans para sa pag-transport ng mga gagamiting paraphernalia sa May 2022 elections.
Sinabi ni Soriano, na sa ngayon ay na-transport na ang ibang accessories gaya ng battery packs at ballot packs na pansamantalang nakatago sa isang lugar na binabantayan ng kapulisan, mga staff ng LGU at Comelec, at hinihintay na lang vote counting machines.
Dagdag pa nito na nakahanda na ang security plan mula sa source hanggang sa destination nito.
Patungkol naman sa alert status, wala pang natatanggap na direktiba ang kanilang opisina mula sa national headquarters pero nanatiling silang naka-hightened alert lalong-lalo na na sunod-sunod ang big events sa Holy Week hanggang sa pagtapos ng election.
Nilinaw rin ni Soriano na wala pang naitatalang kaguluhan na may kinalaman sa election pero continous pa rin ang kanilang monitoring lalo nat nakatanggap sila ng raw information na may mga bagong dating na grupo pero hindi pa nila isinisiwalat ang impormasyon dahil patuloy parin nila itong veniverify.
Sa huli ay umaasa ito na magkakaroon ng mapaya at maayos na election sa Mayo 9.