Magsasagawa ang Department of Transportation(DOTr) ng malawakang crackdown laban sa mga public utility vehicle na walang kaukulang prankisa o hindi nairenew ang mga prankisa.
Ginawa ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang babala sa gitna ng biglaang pagsasagawa ng grupong manibela ng transport strike sa ilang bahagi ng Metro Manila bilang pagprotesta sa PTMP.
Kabilang sa mga babantayan ng DOTr, ayon kay Bautista, ay yaong mga jeepney na hindi nairehistro sa ilalim ng Public Vehicle Modernization Program.
Ang prankisa ng mga jeepney na hindi nakapagrehistro sa PTMP aniya ay ikinukunsidera nang revoked.
Maalalang muling bumalik sa kalsada ang mga jeepney driver at operator matapos na ipag-utos ni PBBM ang pagpapatuloy ng PTMP sa kabila ng naunang apela ng mga senador na pansamantala itong suspendihin.
Bago ang protesta ng Manibela, una ring nagsagawa ng unity walk ang mga sumusuporta sa PTMP kasunod ng naunang hakbang ng mga senador, kasabay ng panawagan nila kay PBBM na ituloy na ito dahil mahigit 80% na ng mga pampublikong transportasyon ang nakapag-consolidate, bagay na kinatigan din kinalaunan ni Pang. Marcos.