-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno ang crackdown sa mga gumagawa at nagbebenta ng pekeng mga gamot sa gitna ng pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ito ay matapos ang pagkakaaresto sa isang online seller na si Monique Gamboa na nahulihan umano ng 18,000 na mga tableta ng pekeng Bioflu at Neozep na nagkakahalaga ng P1.1 million.

Isang command conference ay inatasan ng alkalde si Manila Police District chief Brig. Gen. Leo Francisco upang masimulan nang ipatupad ang naturang crackdown sa mga mapagsamantalang sellers ng mga pekeng gamot.

Sinabi ni Moreno na niloloko ng mga ito ang mamamayan na lubhang nangangailangan ng gamot tulad ng paracetamol na may mataas na demand sa panahon ngayon dahil sa paglaganap ng sintomas ng trangkaso sa bansa.