-- Advertisements --

All set na bukas ang WBO welterweight championship sa pagitan nina undefeated Terence Crawford at dating two-time champion Shawn Porter.

Ito ay makaraang sumalang na ang dalawang mahigpit na magkaribal sa official weigh-in kanina na ginanap sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas.

terence porter

Halos magparehas sila ng timbang kung saan si Crawford ay may bigat na 146.4 pounds at si Porter naman ay 146.6 pounds.

Kapwa pasok sila sa 147 pounds limit sa welterweight division.

Inaasahan ng mga boxing analyst na giyera sa itaas ng ring ang matutunghayan ng mga fans lalo na at parehong kinikilalang elite boxers ang mga ito na kapwa 34-anyos.

Sa kabila nito aakyat bukas si Crawford na 7-1 favorite ng mga sugarol sa Las Vegas.

Ang bakbakan ay ang ikalimang beses na rin na pagdepensa sa korona ni Crawford.

Kung sa eksperyensa ang pagbabasehan, mas abanse si Crawford na meron ng 37 panalo kung saan 28 ay kanyang na-knockout.

Habang si Porter ay merong record na 31 panalo, 17 ang knockouts at tatlo ang talo.

Gayunman marami na ring mga bigating kalaban ang nakaharap din ni Porter.