Handang-handa ng idepensa ni Terence Crawford ang kanyang WBO welterweight world title laban kay Kell Brook sa gaganaping Top Rank bubble sa MGM Grand.
Sinabi ni Crawford na nais niyang patunayan na siya pa rin ang pinakamagaling na boksingero sa buong mundo.
Mayroon itong malinis na 36 panalo at walang talo na may 29 knockouts.
Habang si Brook ay mayroong record na 39 panalo, 2 talo at 27 knockouts.
Nais ng British power puncher na si Brook na makabangon sa magkasunod na pagkatalo kay Gennady Golovkin at Errol Spence.
Huling lumaban si Crawford ay noong December 14, 2019 habang si Brook ay noong Pebrero 8, 2020 nang magwagi ito sa ikapitong round sa pamamagitan ng technical knockout laban kay Mark DeLuca.
Ayon kay Top Rank CEO Bob Arum, hindi talaga si Brook ang ilalaban kay Crawford at sa halip ay sina Manny Pacquiao at Errol Spence sana subalit hindi natuloy dahil sa coronavirus pandemic.