Kumpiyansa umano si Terence Crawford na matutuloy pa rin sa hinaharap ang niluluto nilang bakbakan ni Pinoy ring superstar Sen. Manny Pacquiao.
Ito’y kahit hindi pa ito posibleng mangyari sa mga susunod na buwan dahil sa coronavirus pandemic, na nag-iwan din ng malaking epekto sa ekonomiya.
Ayon kay Crawford, nakikipag-ugnayan na raw ang kanilang kampo kina Pacquiao at Top Rank CEO Bob Arum para maayos ang problema sa usaping pinansyal.
“They want the fight. We want the fight. So basically, we’re trying to figure out the money situation. You know, with this pandemic going on right now, it’s kinda hard to put on a big fight and no audience, and not knowing how you’re gonna get your return back. So, you know, we’ve gotta figure out all the details with that first before we can do that,” wika ni Crawford.
Hindi rin naniniwala ang pound-for-pound king na mahihirapan silang ibenta ang laban kung sakali dahil sa magandang performance na ipinakita ni Pacquiao sa huli nitong laban sa dating walang talong si Keith Thurman.
“If that fight presents itself, it’s gonna be more money than I ever made in my career to date, probably. You know, so I think that fight can get made, worked out however it will be. You know, but at the same time, you know, he’s dealing with the same issues that I’m dealing with. Every top fighter is dealing with the same issue. You know, it’s not like I’m the only one dealing with this,” ani Crawford.
Una nang sinabi ni Arum na nakikipag-usap na raw ito sa mga investors para mapondohan ang Pacquiao-Crawford megafight.