-- Advertisements --

Pinatumba ni undefeated world boxing champion Terence Crawford si David Avanesyan sa loob ng ika-anim na round para mapanatili nito ang kaniyang WBO welterweight belt.

Sa simula pa lamang ng laban ay dominado ni Crawford ang laro.

Pagpasok ng ika-anim na round ay doon na natikman nito ang kaniyang suntok na nagdulot sa kalaban nito para matumba sa loob ng dalawang minuto at 14 na segundo.

Ito na rin ang pang-anm na beses na lumaban si Crawford sa kaniyang sariling lugar sa Nebraska.

Makakalaban sana ni Crawford si Errol Spence Jr para sa welterweight championship subalit umatras si Spence noong Oktubre.