-- Advertisements --
Napanatili ni Terence Crawford ang kaniyang World Boxing Organization welterweight title matapos patumbahin sa ikaapat na round si Kell Brook sa Las Vegas.
Ginulat ni Crawford si Brook sa pamamagitan ng right jab na nagbunsod sa pagkatumba ng dating champion mula sa England.
Nagsimulang mabagal si Crawford kaya nakakuha si Brook pagkakataon subalit agad na nakabawi si Crawford.
Paliwanag ni Crawford na sa una ay kaniyang sinusukat ang lakas ng kaniyang kalaban hanggang nakakuha na ito ng tsansa.
Dahil sa panalo ay napanatili ni Crawford ang kaniyang malinis na record na 37-0 habang ito na ang pangatlong sunod sa limang laban ni Brook na mayroon na ngayon na 39 panalo, tatlong talo at 27 knockouts.