Binabalak umano ni Top Rank CEO Bob Arum na pagharapin sina WBO welterweight champion Terence Crawford at IBF world champion Errol Spence sa isang unification match.
Ayon kay Arum, posible raw ito kung magwagi si Crawford sa nakatakda nitong laban kontra sa British boxer na si Amir Khan sa Abril 21 (oras sa Pilipinas).
Sakaling magtagumpay umano si Crawford sa kanyang title defense, agad umanong tatawagan ni Arum si Al Haymon, na siyang pinuno ng Premier Boxing Champions, para maisakatuparan ang nasabing laban.
Sa ilalim ni Haymon ay naroon ang ilang mga bigating pangalan sa welterweight division gaya nina WBC champion Shawn Porter, WBA champion Keith Thurman, at eight-division world champion Manny Pacquiao.
“There’s no doubt in my mind that Errol Spence wants the fight as much as Crawford wants it. So if Terence wins, I’ll call Al Haymon and work to sit down and make the fight. It’s not rocket science that this has to happen. We can sit down and make the fight in one day just like we did for Mayweather-Pacquiao,” wika ni Arum.
“If a promoter blocks that fight, he ought to be ashamed.â€
Noong 2015 nang pinlantsa nina Arum at Haymon ang tapatan nina Pacquiao at Floyd Mayweather Jr., na itinuturing na “most lucrative fight” sa kasaysayan ng combat sports.