Lubos na umaasa si WBO welterweight champion Terence Crawford na si Sen. Manny Pacquiao na ang susunod na makakaharap nito sa ibabaw ng boxing ring.
Ayon kay Crawford, sa ngayon ay patuloy pa rin ang mga negosasyon sa pagitan nila ng kampo ng Fighting Senator.
Muli ring inihayag ng tinaguriang pound for pound king ang kanyang pagnanais na maisakatuparan ang pinapangarap niyang laban.
“Sky the limit for me right now, I’m looking for all the big opportunities and all the champions. I’m gunning for all of them,” wika ni Crawford.
Matatandaang inamin ni Pacquiao na maging siya ay interesado rin na makatunggali si Crawford.
Pero inihayag ni Pacquiao na babalik lamang ito sa boxing ring sa oras na available na ang bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Una nang sinabi ni Top Rank CEO Bob Arum na tinatrabaho niya na raw na maisagawa ang nilulutong Pacquiao-Crawford bout sa Middle East.