-- Advertisements --

Pasok na sa semifinals ng PVL All-Filipino Conference ang Creamline Cool Smashers matapos talunin ang Akari Chargers.

Tinapos ng Smashers ang kampanya ng Chargers sa score na 25-17, 25-22, 27-29, 25-8 sa laro na ginanap sa San Agustin Gymnasium sa Iloilo City.

Bumida sa panalo ng Creamline si Michelle Gumabao na nagtala ng 19 points habang mayroong 17 points si Jema Galanza at 16 points naman kay Tots Carlos.

Mayroon ng pitong panalo at isang talo ang Creamline habang ang Chargers ay mayroon dalawang panalo at anim na talo.