-- Advertisements --

Nakuha ng Creamline Cool Smashers ang kampeonato ng Premier Volleyball League (PVL) All Filipino matapos talunin ang Petro Gazz Angels sa loob ng apat na sets.

Sa unang sets ay nakuha ng Angels ang panalo at pagpasok ng ikalawa hanggang ikapat ay ipinaranas ng Creamline ang kanilang championship experience sa Angels 20-25, 25-20, 25-18 at 25-15.

Nanguna sa panalo si Jia Morado na nagtala ng 18 points at nakuha nito ang Finals Most Valuable Player.

Isang matamis na panalo para sa Cool Smashers dahil sa kawalan ng isa nilang star player na si Alyssa Valdez na nagtamo ng injury sa kaniyang tuhod.

Magugunitang nakuha ng Petro Gazz ang unang panalo sa best of three finals habang at pagdating ng second game ay nakabawi ang Angels.