-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ni dating Ateneo Lady Eagle Jia Morado ang kaniyang pagpapakasal.

Sa kaniyang Instagram account ay nagpost ng mga larawan ang Creamline setter sa pag-iisang dibdib nila ng longtime partner na si Miguel de Guzman.

Noong Oktubre 1, 2020 ng maging ‘engaged’ na ang dalawa kung saan nangyari ang proposal ng eksaktong 11:11 a.m.

Nagpaabot naman ng pagbati ang kapwa nitong volleyball players at ilang sports personality sa pag-iisang dibdib ng dalawa.