Posibleng pumalo sa P3.4 trillion ang mga credit card payments ngayong taon sa Pilipinas.
Ito ay may pagtaas na 17.2% kumpara sa nakalipas na taon na umabot lamang sa P2.9 trillion.
Ayon sa data analytics company na GlobalData, ang pagtaas ng credit card payments sa Pilipinas ay dahil na rin sa pagbabago ng preference o pinipili ng mga konsyumer bilang mode of payment mula sa dating tradisyunal na cash tungo sa credit card.
Binanggit ng grupo ang tumataas na awareness ng publiko sa electronic payment, pagbabago sa payment infrastracture, mas mabilis na access sa low-cost bank accounts, at iba pa.
Batay pa sa projection ng grupo, maaaring aabot sa P6 trillion ang credit card payment sa Pilipinas pagsapit ng 2028.
Posible umanong mamementene ng bansa ang average na pagtaas ng hanggang 15.1%.
Tinataya kasi ng grupo na lalo pang tataas ang consumer spending o paggasta ng mga konsyumer sa mga susunod na taon.