-- Advertisements --

Muling magsasama ang American rock band na Creed.

Isasagawa ng grupo ang kanilang reunion show sa Abril 2024.

Ito ang unang pagkakataon na sila ay magsasama-sama matapos ang 12 taon mula ng sila ay maghiwalay.

Ang grupo na binubuo nina Scott Stapp, Mark Tremonti, Brian Marshall at Scott Phillips ay magtatanghal ng dalawang show sa cruise.

Mayroong apat na album silang inilabas mula sa unang album na “My Own Prison” noong 1997.

Ilan sa mga kantang pinasikat nila ay “My Sacrifice”, “One”, “Higher” at maraming iba pa.