-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nakigpag-ugnayan na ang lokal na pamahalaan sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) ito ay para mapadali ang isasagawang cremation sa mga bangkay ng mga indibidwal na namatay dahil sa Covid-19.

Una ng inihayag ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na nakigpag-usap na siya sa SPMC ito ay para dumani ang mga bangkay na nasa hospital.

Sinasabing mula Abril sa nakaraang taon, nasa 944 na mga bangkay ang isinailalim sa cremation habang ngayong linggo, nasa 12 pa ang nananatili sa hospital.

Ang pag-cremate sa bangkay ay depende sa rekomendasyon ng mga doktor lalo na kung namatay ito sa COVID-19.

Bilang bahagi naman ng Covid-19 response sa lungsod, ang Davao City crematorium at Wireless Cemetery ang nagsimula na sa kanilang operasyon simula pa sa noong buwan Pebrero.

Dinisenyo ito para ma-cater ang mga Covid-19 related deaths at masolusyonan ang patuloy na pagtaas ng referrals para sa cremation sa mga pasyente na namatay sa disease.

Sa kasalukuyan, nakipag-ugnayan na rin ang lokal na pamahalaan sa private crematoriums lalo na kung dadami pa ang bilang ng mga nagpositibo sa covid-19.