Nakabalik na sa mundo ang apat na astronaut na lulan ng SpaceX Dragon.
Lumapag ang mga ito sa karagatan na bahagi ng Florida.
Naging malusog ang mga ito matapos ang pananatili ng anim na buwan sa International Space Station.
Umabot sa mahigit na anim na oras ang biyahe ng capsule mula sa International Space Station at lumapag sa Gulf of Mexico sa Panama City.
Pinangunahan ng Go Navigator recovery ship ang pag-retrieve ng capsule at umabot ng kalahating oras bago nakuha ang nasabing mga astronauts.
Ito ang unang gabi ng paglapag ng NASA space craft mula ng crew ng Apollo 8 na dumating sa Pacific Ocean noong Disyembre 27, 1968.
Unang lumabas sa capsule ay si commander Michael Hopkins na sinundan nina Victor Glover, Shannon Walker at Soichi Noguchi ng Japan.