-- Advertisements --

CEBU CITY – Iniimbestigahan na ng maritima authorities sa Cebu ang kaso ng pagtaob ng isang cargo vessel sa karagatang sakop ng bayan ng San Fernando.

Sa inisyal na ulat ng Philippine Coast Guard (PCG)-Region 7, nabatid na may kargang mga sako ng semento ang tumaob na M/V Eva Mary Grace sa SEDC Port.

Tinamaan daw kasi ito ng malakas na alon mula sa dagat kaya posibleng naapektuhan nito ang tindig ng pagkakadaong ng barko.

Ayon kay PCG-Region 7 spokesperson Lt. Jr. Grade Michael Encina, agad nakaresponde sa insidente ang hanay Coast Guard mula sa kalapit na Naga City pati na ang regional special unit.

Ligtas naman ang 11 crew ng barko at nabigyan ng first aid ang crane operator na si Manuel Encarnacion na nagtamo ng sugat sa hita.