-- Advertisements --
Tumaas ng limang porsiyento ang crime incident rate sa bansa noong Marso, ayon sa Departmetn of Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay Sec. Eduardo Año, tumaas ng 1,584 ang bilang ng total crimes mula Pebrero hanggang Marso.
Sinabi ng kalihim na noong Pebrero ay pumalo sa 28,214 ang total crime incident, habang noong nakaraang buwan naman ay pumalo ito sa 29,798, o katumbas ng 5.61 percent increase.
Sa kanilang listahan, kabilang sa mga nakapagtala nang pagtaas ng incident rates ay ang pagnanakaw, murder, at physical injury.
Para kay Año, ang pagtaas ng crime incidents ay resulta nang pagluwag sa mobility sa Metro Manila at ilan pang mga lugar sa bansa na inilagay sa ilalim ng Alert Level 1 noong Marso.