GENERAL SANTOS CITY- Sinabi ng Hepe ng Pendatun Police Station na si Police Major Wesley Matillano na may lead na sila sa suspek sa nangyaring pamamaril sa biktimang si Jeormelito Panes Nesnia, 33 taong gulang na isang healthcare assistant sa isang pagamutan dito sa lungsod.
Ayon rito, crime of passion ang isa sa mga anggulong tinututukan ng otoridad sa pamamaril sa biktima matapos sinabi ng pamilya na marami umano itong anak sa ibat-ibang babae.
Sa imbestigasyon, habang naglalakad ang biktima sa Quezon Avenue, Barangay Dadiangas North, Gensan mula sa ospital at pauwi na sana ng kanyang boarding house ay pinagbabaril ng di kilalang suspek ng tatlong beses.
Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa katawan at ulo nito na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay, habang ang suspek ang mabilis na nakatakas matapos ang krimen.
Inamin rin ni Rodel, ang nakatatandang kapatid ng biktima, na babaero ang kanyang kapatid, marami din ang nagsabi na marami itong anak sa ibat-ibang babae, bagay na itinuro ng pamilya na maaring motibo sa krimen.