-- Advertisements --
BORACAY DOT Sunset
Picturesque sunset in Boracay (DOT photo)

KALIBO CITY – Ibinida ng pulisya ang pagbaba ng crime rate sa isla ng Boracay matapos muling buksan sa publiko kasunod ng anim na buwan rehabilitasyon nito noong nakaraang taon.

Ayon kay Capt. Jose Mark Gesulga, hepe ng Malay Municipal Police, mababa ng maituturing ang 151 na kaso ng krimen na naitala sa isla mula ng buksan uli ito noong Oktubre hanggang nitong Abril.

Naniniwala ang pulis na dulot ito ng mahigpit na pagpapatupad ng Project BESST (Boracay Enhanced Security, Strategy and Tactics).

Sa ilalim kasi nito, layunin ng mga otoridad na gawing discipline zone ang isla.

Bukod dito,  naitala rin daw ang mababang kaso ng krimen sa Boracay nitong Semana Santa kumpara noong nakaraang taon.