CEBU CITY – Mababa pa rin umano ang crime rate sa lungsod ng Cebu kahit niluwagan na ang quarantine mula enhanced community quarantine (ECQ) patungong general community quarantine (GCQ) dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Pinaniniwalaan kasi ng pulisya na tataas na naman ang kaso ng krimen nang isailalim ang lungsod sa GCQ.
Ayon sa officer-in-charge ng Cebu City Police na si PCol. Cydric Earl Tamayo, sa nakalipas na 12 araw ay mababa pa rin ang focus crimes tulad ng theft, robbery, carnapping, rape at iba pa.
Naniniwala pa itong dahil sa striktong pagpapatupad sa curfew tuwing gabi ang isa sa dahilan ng pagbaba sa krimen.
Patuloy naman ang pagmonitor ng pulisya sa mga lugar na mataas ang kaso ng krimen ngunit kinailangan pa ring mag-ingat ng mga ito upang di mahawaan ng COVID-19.