Nagpakita ng malaking pagbaba mula 37 percent ang crime rate sa Metro Manila noong Pebrero 2025 kumpara sa parehong buwan ng nakaraang taon, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Sa tala ng kapulisan umabot sa 545 insidente ng krimen sa murder, frustrated murder, rape, physical injuries, robbery, theft, and carnapping, ngunit bumaba ito sa 343 insidente noong buwan ng Pebrero 2025.
Iniuugnay naman ni NCRPO Director Brig. Gen. Anthony Aberin ang pagbaba ng krimen sa pagiging epektibo ng mga intelligence-driven operations, ito ang mas mataas na presensya ng pulisya, at pinahusay na pakikipagtulungan sa mga komunidad.
Ilan sa mga may pagbabago o ‘yong mga pagbaba ng krimen ay ang kaso ng pagpatay na bumaba ng 41.94 percent, mula sa bilang na 31, 18 na lang na kaso ang naitatala; at homicide na bumaba ng 25 percent, mula 12 papunta ng 9 kaso.
Habang ang kaso ng pananakit at panggagahasa ay bumaba rin ng halos 50 percent, kung saan ang mga kaso ng pananakit ay bumaba mula 57 sa 29 kaso, at ang mga kaso ng panggagahasa mula 91 na kaso ay 46 na kaso na lang.
Samantala, bumaba rin ng 33.73 percent ang mga kaso ng robbery, mula 83 sa 55, at 33.62 percent ang mga kaso ng pagnanakaw, mula 229 sa 152 kaso.
Ang mga kaso ng carnapping ay nagpakita rin ng mga pagbaba, kung saan ang carnapping ng mga sasakyan ay bumaba ng 57.14 percent, mula 7 sa 3 kaso, at ang carnapping ng motorsiklo ay bumaba ng 11.43 percent, mula 35 sa 31 kaso.
Sa kabilang banda sinabi ni Aberin na tumaas ng 8.68 percent ang crime solution efficiency, mula 67.71 percent noong Pebrero 2024 papuntang 76.38 percent noong buwan ng Pebrero ng kasalukuyang taon.
Ang mga numero ng krimen ay batay sa mga verified na record mula sa Crime Information, Reporting, and Analysis System (CIRAS). Habang kinikilala ang posibleng agwat sa pagitan ng mga statistical na persepsyon ng publiko.
Binigyang-diin pa ni Aberin na ang NCRPO ay nakatutok sa pagsasara ng agwat na ito at tiniyak na ‘hindi lang sa mga datos makikita ang mga pagpapabuti, kundi pati na rin sa araw-araw na buhay ng bawat residente.’