-- Advertisements --
sinas1
Maj. Gen. Debold Sinas

Ipinagmalaki ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na bumaba ang crime rate sa Metro Manila ng 80% simula ng ipatupad ang community quarantine para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Ayon kay NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas ang dahilan ay kokonti na lamang mga gumagalang indibidwal dahil halos lahat sumusunod sa guidelines ng community quarantine.

Hindi naman mailabas ni Sinas ang datos dahil sa ongoing ang pag kolekta at proseso sa mga datos.

Pinasinungalingan din ni Sinas ang ulat na may nangyayaring looting sa kalakhang Maynila.

Giit ng heneral may inihanda silang contigency measures para sa kaso ng looting.