-- Advertisements --

Malaking tulong umano ang umiiral na Martial Law sa pagbaba ng overall crime rate sa Mindanao.

Ayon kay P/Dir. Mao Aplasca ng PNP Directorate for Operations, bumaba sa 37 porsiyento ang crime rate sa rehiyon.

Sa panig naman ni PNP chief Oscar Albayalde, tinukoy nito ang monthly average index crime rate o mga itinuturing na major crimes sa Mindanao ay 8.75 percent noong 2017, kumpara sa 5.92 percent na lang mula January hanggang Setyembre 2018.

Kaya ayon kay Albayalde, base sa statistika ay nakikita ng PNP na nakatulong ang batas militar sa overall peace and order situation sa Mindanao.

Aniya, ang sentimiyento ng general populace sa Mindanao ay pabor sa Martial Law dahil sa improvement sa peace and order situation sa lugar.

Kaya suportado umano ng PNP ang pagpapalawig sa Batas Militar sa Mindanao kung sakaling ito ang naging desisyon ng Malacanang base sa rekomendasyon ng militar.