-- Advertisements --
Nakapagtala ang Philippine National Police ng mas mababang crime rate sa unang 21 buwan sa ilalim ng Marcos administration kumpara sa parehong period sa ilalim ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, bumuti ang peace and order situation sa bansa na may mas mababang index crime volume mila sa 196,519 noong pre-pandemic period o July 1, 2016 hanggang April 21, 2018 sa 71,544 noong July 1, 2022 hangang Abril 21, 2024.
Ang average monthly crime rate din ay bumaba sa parehong period, mula sa 21.92 sa 15.04%.
Bumaba rin ang naitalang focus crimes gaya ng pagnanakaw, physical injury, robbery, rape, murder, car napping at homicide mula sa dating 196,420 ay nasa 71,133 na o 63.79%.