-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) na bumaba ang naitalang krimen sa bansa.

Ayon sa PNP na mayroong 18.4 percent ang pagbaba ng krimen sa buong bansa sa unang tatlong buwan ng taon.

Base sa datos ng PNP na mula Nobyembre 3,2024 hanggang Enero 11, 2025 ay mayroong 8,950 na krimen na naitala.

Subalit pagdating ng Enero 12 hanggang Marso 12, 2025 ay mayroong 7,301 na krimen ang naitala.

Ang mga krimen na naitala ay murder, homicide, physical injury, rape , robbery, theft motor vehicle at motorcycle theft.

Ang murder case ay bumaba na mula sa dating 1,535 ay naging 1,243 na lamang habang ang homicide na mula sa 1,341 ay naging 1,201 at ang physical injury ay naging 663 na lamang mula sa dating 1,002.