-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Tumaas ang crime solution efficiency ng Police Regional Office 2 ngayong unang bahagi ng taon kumpara sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.

Batay sa ulat ng PRO 2 sa isinagawang Regional Peace and Order Council meeting dito sa Cauayan City, umabot sa 2,916 ang crime solved o ang mga krimen na may nasampahan na ng kaso sa naitalang krimen sa PNP blotter simula Enero hanggang Mayo, 2019 na 3,725.

Katumbas ito ng 78.28% crime solution efficiency na mas mataas kung ihahambing sa nakaraang taon na 65.27%.

Pinakamataas ang Santiago City Police Office na mayroong 90.41% crime solution efficiency habang pinakamababa ang Batanes sa 50% crime solution efficiency.

Sa crime clearance efficiency mula sa 3,725 na krimeng naitala sa Police blotter sa PNP region 2 ay 3,432 Cleared o mga krimen na may nasampahan ng kaso at nakakulong na suspek.

Katumbas ito ng 92.13% crime clearance efficiency na mas mataas ito ng 12.15% kumpara noong nakaraang taon na 79.98% crime clearance efficiency.

Ang Santiago City Police Office ang nananatiling nangunguna pagdating sa crime clearance efficiency na may 97.67% habang pinaka mababa ang Cagayan na mayroong 83.37%.