-- Advertisements --

Ibinasura raw ng prosekusyon ang mga reklamo laban sa bulk carrier na MV Vienna Wood, na sumalpok sa isang Pinoy fishing vessel noong Hunyo.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commodre Armand Balilo, noong September 17 pa pinayagang magbalik-layag ang barko matapos pakawalan sa kustodiya ng Pilipinas.

“Case was dismissed by the provincial prosecutor. MV Vienna Wood was allowed to leave last September 17,” ani Balilo.

Kung maaalala, nagsalpukan ang Hong Kong-flagged ship at Liberty 5 fishing vessel noong June 27, dakong 10:20 ng gabi.

Lulan ng vessel ang 14 ng Pilipinong napaulat na nawawala.

Agad nagsampa noong criminal cases ang gobyerno sa shipping company at mga opisyal ng cargo vessel. Inaprubahan din ang mosyon ng PCG para sa hold departure ng crew ng barko.