-- Advertisements --

Gumagawa na ngayon ng paraan ang mga kapulisan sa Mexico para maaresto ang ginagawang panibagong paraan ng mga drug dealers sa kanila.

Gumagamit na kasi ng mga drones ang mga kriminals para magbagsak ng pampasabog sa mga kapulisan.

Itinturong nasa likod ng insidente ay ang Jalisco New Generation Cartel kung saan dalawang pulis ang nasugatan sa western Michoacan.

Noong nakaraang taon kasi ay nakakumpiska ang mga otoridad ng drone na ginamit ng mga suspek na mayroong nakataling pampasabog.