CAGAYAN DE ORO CITY -Iginiit ng pulisya na hindi nagmula sa gobyerno subalit grupo umano ng criminal syndicates ang maaaring pumaslang kay Clarin Mayor David Navarro sa Cebu City.
Ito ay matapos malakas ang paniniwala ng pulisya na ang criminal gang na panay ang pagbabanta sa buhay ni Navarro ang humarang sa convoy nito at pinagbabaril nang makaladkad papunta sa kalsada mula sa police patrol car noong nakaraang linggo.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Cebu City Police Office Director Col Gemma Vinluan na mismo si Navarro at ang kanyang mga kaanak ang mayroong alam sa grupo na nagpadala ng death threats na nagmula rin mismo sa Misamis Occidental.
Sinabi ni Vinluan na alam nila ang grupo na unang binanggit ni Navarro noong nabubuhay pa ito subalit dahil sa kakulangan ng ebedensiya ay pinigilan muna niya na banggitin sa publiko.
Nabanggit rin ng opisyal na isang malaking robbery holdup sa Mandaue City na lumabas ang pangalan ng yumaong alkalde na nauugnay umano sa criminal syndicate na unang tumangay ng 100 milyon piso na halaga ng mga alahas noong nakaraang linggo.
Si Navarro ay pinatay umano dahil sa sobrang galit sa grupo na nasa likod nang pananambang sa Cebu City noong nakaraang linggo.