-- Advertisements --

ROXAS CITY – Nagbigti-patay ang isang criminology graduate sa puno ng mangga sa isang barangay sa bayan ng Jamindan, Capiz.

Ang hindi na pinangalanang biktima ay may edad na 25 anyos at residente rin ng naturang lugar.

Batay sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo, ikinagulat na lamang ng ama ng biktima nang makita ang anak nitong nakasabit na sa puno ng mangga may 10 metro ang layo mula sa kanilang bahay gamit ang isang electrical cord.

Dinala pa ang biktima sa ospital ngunit hindi rin ito naisalba matapos id eklarang dead on arrival.

Kumbinsido ang pamilya na labis na nagtampo ang biktima dahil sinabihan itong wag na munang kumuha ng board examination dahil kailangang unahin ang isa pa nitong kapatid.

Ito marahil ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang biktima.