Napanatili ng bagyong Crising ang lakas nito habang papalapit sa Samar provinces.
Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at merong pagbugso ng hangin na nasa 68 kph.
Sa pagtaya ng Pagasa inaasahang magla-landfall ang sentro ng bagyo sa isla ng Samar mamayang hapon.
Huling namataan ng Pagasa (as of 7am) ang sentro o mata ng bagyo sa layong 185 kilometers east ng Guiuan, Eastern Samar.
Bahagya itong bumagal sa 20 kph mula kaninang madaling araw na nasa 22 kph.
Kumikilos pa rin ang sama ng panahon ng west northwest.
Kaugnay nito, muling ibinabala ng Pagasa ang posibleng flashflood at landslide sa mga lugar na nasa ilalim ng storm warning signal number 1.
Ang mga ito ay ang sumusunod:Â Sorsogon, Burias island, Romblon, Masbate including Ticao island, Aklan, Antique, Iloilo, Capiz, Northern Cebu, Northern Negros Occidental, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte at Southern Leyte.
Nag-abiso naman ang Pagasa na posibleng ilagay na rin sa susunod na bulletin ang mga lalawigan ng Camarines Norte, Marinduque at Mindoro provinces sa storm warning signal number 1.
Nagbabala rin ang weather bureau na ang estimated rainfall amount sa loob ng 250 km diameter ng bagyo ay makakaranas ng moderate hanggang paminsan-misna ay heavy rains.
“Forecast Positions: 24 Hour (Tomorrow morning): In the vicinity of Pilar, Capiz (11.5°N, 123.0°E); 48 Hour (Monday morning): 205 km Northwest of Coron, Palawan (13.4°N, 119.0°E); 72 Hour (Tuesday morning): 290 km West of Iba, Zambales (15.0°N, 117.3°E); 96 Hour (Wednesday morning): 340 km West Northwest of Iba, Zambales (16.8°N, 117.2°E),” bahagi pa ng advisory ng Pag-asa.