Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority na activated na ang mga crisis team sa bawat local government unit bago magtapos ang buwan bilang paghahanda sa naka ambang El Niño.
Nasa labing pitong local government unit dito sa Metro Manila ang nakabuo na ng kanya kanyang task force upang mabawasan ang epekto nitong paparating na tag tuyot.
Sakaling ma activate na ang mga ito ay pag iisahin ang bawat rekomendasyon upang makita ang mga posibleng dapat na gawin na applicable rin sa iba pang mga lugar.
Marami pa umanong mga proseso, tao, at kagamitan ang kinakailangan ngunit nais ng ahensya na mapadali ito nang sa gayon ay maging maayos an pulido ang response sa isyung ito.
Sa ngayon mayroon nang mga mitigating measures na ginagawa ang ahensya kasama ang ilan pang mga ahensya ng gobyerno.
Nakikipag ugnayan na umano sila sa Metropolitan Waterworks and Sewage System upang ma monitor at regulate ng maayos ang supply ng tubig dito sa Metro Manila.
Yan ang bahagi ng pahayag ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Atty. Don Artes
Ang Metropolitan Manila Development Authority ay patuloy parin ang ginagawang Water Search and Rescue Training ng mga responders at rescuers mula sa iba’t ibang local government unit
Itong paparating na El Niño ay inaasahan magdadala ng malawakang kakulangan sa tubig.