-- Advertisements --

Iniligtas ni Cristiano Ronaldo ang Portugal 2-1 sa masaklap na pagkatalo sa Scotland ng UEFA Nations League.

Ang nasabing goal ay siyang pang-901 na career goal ng 39-anyos na football star.

Naitala nito ang nasabing goal sa huling 88 minuto ng laro para makabangon na pumapangalawa sa Lisbon.

Unang nakapagtala ng goal si Scott McTominay sa loob ng pitong minuto para makuha ng Scotland ang kalamangan.

Hanggang maitabla ni Bruno Fernandes ang laro sa 1-1 sa loob ng 54 minuto.

Pinilit ng Portugal na makuha ang kalamangan subalit naging mahigpit ang ginawang pagbabantay ng goal keeper ng Scotland.

Nakakuha ng tsansa si Ronaldo at naipasok ang goal nito sa 88minuto ng laro.

Huling naitala ni Ronald ang 900th goal nito noong nakaraang linggo laban sa Croatia.

Nasa unang puwesto na ang Portugal sa League A Group 1 na mayroong anim na puntos.